NaPoWriMo/GloPoWriMo 2018 Poem 1 (Tagalog Poetry)

Prompt is to write about secret shame or secret pleasure, and this one is about procrastination.

Bumangon na ang araw
Abot na ng sinag ang mga sulok ng silid
Mulat na ang mga mata
Marahang tumatanaw
Sa maghapong naghihintay
Sa mga gawaing pinatatagal
Sa mga planong nangangalawang
May udyok ang oras na magmadali
Ang mga numero sa kalendaryo’y napapawi
Pati ang utak ay di na mapakali
Pero malambot ang kama
May pahingang nakahahalina
Humahaplos ang kumot
Sumisiping, yumayakap
Malamig din ang hangin
Lulan ay heleng nanunukso
Pwede bang isang minuto pa?
Hindi, isang oras pa pala
O kaya ay maghapon na lang
Tumunganga, magpakatamad
May bukas pa namang laging naghihintay

Advertisements

Habang pauwi at ang isip ay nandun sa kailangan pang gawing trabaho, sumakay ako sa harap ng fx bitbit ang planong ituloy ang paggawa sa mga hindi pa natatapos na trabaho habang nasa byahe. Dalawang pwesto ang babayaran para mas “kumportable” ang pagtatrabaho. Pag-upo ko ay bumungad sa harap ko ang karatula ni manong:

Paunawa: Mahigpit ko pong ipinagbabawal ang pag gamit ng anumang gadget dito sa unahan. Maraming salamat.” 

Okay, madali akong kausap, lilipat na lang ako sa likod para makapag trabaho. Pero bago ko pa masabi na lilipat ako sa likod, biglang pumasok sa isip ko ang salitang HAPPENSTANCE. Kaya inulit ko ang litanya sa isip ko: Okay, madali lang akong kausap, hindi ako gagamit ng cellphone. 

Lulubog ako sa sandaling ito na hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. 

Haharapin ko kung ano man ang naghihintay. 

Gigising ako sa malalim na pagkakatulog at hahayaan kong maramdaman lang ang pagkakataong ito.

Mabubuhay ako sa sandaling ito. 

​Fetch me a bucket of stories
And shower me with every kind of tales
Which all the pores of my skin will sip
They will be buried in the core of my bones
I will be moved as my whole being shivers
Until I can no longer breathe
And you will just watch me with two wide eyes
As my earthly body explodes
Turning into an endless ocean of stardust
Where you can drown and be one with me

© Kristel Rose and http://www.kristelrose.wordpress.com, 2017.

NaPoWriMo/GloPoWriMo Entry #7

Lying flat on the concrete floor
With all your dreams scattered around
Like glitters that sparkle from afar
You live around them
You shine with them
But then you just lay flat
You are not even your dream yet
Not even a bit of it yet
And just went on
Lying on the concrete floor

© Kristel Rose and http://www.kristelrose.wordpress.com, 2017.

NaPoWriMo/GloPoWriMo 2017 Entry # 5

Little by little the sun rays making waves
Running and rushing down to the ground
Where we stand with dreamlike stares
The horizon is aglow, burning, sparkling
Our souls are racing out from our eyes
Heading towards the less travelled path
With our bodies drenched out of blood
We walk back to the place of buildings and blocks
Hollowed, lifeless, hopeless, and dreamless

Inspired by a video clip I watched about how the dictates of society rob us of our creativity and dreams.
© Kristel Rose and http://www.kristelrose.wordpress.com, 2017.