Emosyon: Galit

Isang babae
nagkukubli sa dilim,
Pinagkaitan ng mukha
sa isang gabing malagim.
Mahaba ang kanyang buhok
itim na itim.
Malalim ang pagtitig
at sumasamo ng taimtim.
Kinagat niya ang kanyang kamay,
Unti-unting kinain na parang anay.
Tumindig siya at naglakad,
sa mga puno ay humanay.
Dinukot niya ang aking puso,
ito raw ay aking alay.
Subukan ko mang humiyaw,
walang boses na dumalaw.
Unti-unti ako’y nabubulag
walang hanggang pagpulupot ng kadiliman.
Siya’y may matalas na kuko
na dahan dahang pumipilas
ng aking laman at kasiyahan.
Bigla bigla siya’y nalusaw
isang usok na mapusyaw
pumasok sa aking puso
dumaloy sa aking mga ugat
doon siya’y nagdiwang
nagsayaw.
Hininga ko’y kanyang hinihinga
Tibok ng aking puso
kanyang dinidikta.
Siya’s nabubuhay,
ako ay namamtay.
Ang sidhi ng kanyang pagnanasa,
sa akin ay sumusunog ng buhay.

 

*Ito ang aking unang enrty sa una kong proyekto, kung saan ay susubukan kong magbigay wangis at buhay sa mga emosyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s