2.9.12.12

Ikaw ang aking tahanan
ang tuldok sa bawat pangungusap
ang huling istasyong tinitigilan ng tren
ang hantungan ng mga binting napapagal

Ang tahanan ko ay ikaw
kung saan may yakap na laging sumasalubong
binabalot ng kahel na liwanag
init at yapos ang laging alay

Wala nang tahanan kundi ikaw
matayog na muog
sa gitna ng unos ng buhay
nagpapahele sa aking kaluluwa

Sa tabi mo’y mauupo
hahayaan ang paglubog ng araw
sa kamay mo’y tatangan
papanoorin ang bukang liwaway

Sa’yo ako tatahan
Ikaw ang aking huling hantungan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s