Teresa

Teresa
Una kitang nakita sa makulay mong saya
Bitbit ang iyong paninda, marami nga ang kaya.
Sa isang banda’y dalisay,
Birhen na ang kahalintulad.
Sa pag sapit ng umaga
At ang mga mata mo’y nakapikit pa,
Ramdam ko ang pag-asa, pag-ibig at ligaya.
Ang bawat sinag ng araw sa iyong mukha
Ay nagpapa-aninag ng pusong mapayapa.
Alam mo ang hanap ng abang itong naglalakabay,
Kabusugan sa kumakalam na tiyan,
Pamatid uhaw sa disyertong halos walang hanggan.
Sa tuwi-tuwina’y nahahalina,
Alok mong tulong ay walang katumbas.
Batid mo ang aking yaman,
Handog mo ay tapat sa aking kayang maabot.
At sa paglubog ng araw, ganda mo’y lalo ang pagyabong
Sa ningning ng iyong ngiti, kaming mga napapagal ay naakit.
Sa bawat palitan ng ating mga paalam,
Lumilisan akong puno ng pananabik sa muli nating pagtatagpo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s