Ganito Sumulat

Ang utak rin pala ay nagiging blangko… parang isang papel na malinis.

Wala kang masagap, wala kang mapala.

Minsan kailangan mo itong dungisan ng tinta upang masilayan ang saysay,

kahit na ang sinusulat ay walang katuturan.

Kung mayroon mang babasa nito, ano ang mapapala niya?

Ang sumulat ng walang saysay at pakinabang para sa bumabasa ay hindi kailanman maituturing na sining.

Kung gayon, anong dahilan at tinutuloy ko pa ito?

Mayroon akong nararamdaman, nararamdaman mo rin ba?

Nakapaloob sa bawat salita ang isang misteryong nag-uudyok na ipagpatuloy ang pagsulat.

Nasisilayan mo na ba?

Wala! Hindi!

Ganito pala kung ang isang sumusuat ay walang maisulat… ngunit sumusulat pa rin.

Hindi ito kagitingan o sadyang paninindigan lamang.

Hindi mo pa rin ba natatarok?

Ganito ang manunulat na walang maisulat…

Nasaan na ang dugong dumadaloy?

Tunay nga bang nanuyo na?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s