Patalim

(Isinulat noong taong 2008, para sa subject na Masining na Pag-sulat sa Filipino, unang taon sa kolehiyo.)

 
Nag aagaw noon ang umaga’t gabi, laganap na katahimikan ang naghahari, ang hating gabi ay nasa kanyang kabanalan, ngunit ang lahat ay nabasag ng isang mahina ngunit makapangayrihang ungol. Ang tunog ay nagmumula sa isang kuwarto ng isang batang babae. Sa loob ng  kumot ay nagkukubli siya habang pinaagos ang kanyang luha, buong lakas na pinipigil ang mga hikbi subalit hindi niya makayanang pigilan ang ilang mahihinang ungol. Habang umaagos ang mas maraming luha ay humihigpit naman ng humihigpit ang kaniyang pagkakahawak sa akin. Pilit na ibinabaon ang nakabalot kong katawan sa kaniyang mga palad. Sa kaniyang pagkakahawak ay lalo kong pinagiigting ang galit na nasa sa kaniyang puso, pilit kong pinalalago ang mapaghiganting damdamin sa kaniyang kalooblooban. Subalit pagdaka’y ako’y binibitawan nya rin agad at patuloy na hinahayaan ang pag agos ng kanyang luha. Naramdaman kong ang takot ay patuloy na namamayani sa kaniyang isipan, ang pagbitiw niya sa akin ay nagbibigay daan upang makapanalot ang takot. Maya maya ay napahawak siya sa pagitan ng kaniyang mga binti, doon ay may nadama siyang likidong umaagos, mainit, mainit. Minasdan niya ang kamay at may nakita siyang kulay pula, dugong naniningkad sa pula ang nasasa pagitan ng kaniyang mga binti. Ang mga luha ay dumoble sa dami at nagsimula ang kaniyang panginginig. Habang siya ay nagpapatuloy sa pangangatal ay hindi ako naalis sa kaniyang tabi. Nais kong tulungan siya, nais kong pabangunin ang isang mapusok na paghihiganti. Hindi niya ako pinapansin, hindi na niya ako hinawakan. Ngunit ang dugo, ang dugong kasabay ko nalikha ay pumapatuloy sa pag labas, ang dugong lumalabas sa kaniyang lagusan pababa sa kaniyang mga binti ay pinipilit akong tulungan. Ang mapulang kulay ay nagsisilbing aking kaibigan, ang galit ay unti unting bumabangon. Bigla bigla ay sinunggaban niya ako ng isang mahigpit na pagkakahawak, inalis niya ang telang nakabalot sa aking matalim na kuko, at sa kalagitnaan ng kadiliman ay nagibabaw ang kislap ko. Dahan dahan siyang tumayo, pilit na hinakbang ang mga paa sa kabila ng sakit na nadarama, at nagtungo kami sa lungga ng isang halimaw. Pagka pasok na pagkapasok ay walang pag alinlangan niya akong ibinaon sa isang natutulog na lalaki. Sa bawat pagsaksak niya ay nararamdaman ko ang paghihiganti habang pinupunit ang balat ng walang malay na lalaki, katulad ng kaniyang pagpunit sa pangarap ng babaeng may hawak sa akin. Sa bawat pag ahon sa pagkakabaon ay nararamdaman ko ang tumutulong dugo ng halimaw sa buo kong katawan, tulad ng pag agos ng dugo sa binti ng kaawa awang nilalang. At ang gabi ay muling nanahimik.
Advertisements

One thought on “Patalim

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s